Inaresto sa isang barangay sa Caloocan City ang isang lalaking Chinese na lumabag umano sa enhanced community quarantine.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ulat sa “24 Oras News Alert” nitong Linggo, bumaba ang lalaki sa kaniyang motor, tinanggal ang face mask at minura ang mga bantay sa checkpoint sa Barangay 67.

Hinarang daw ang lalaki dahil ang quarantine pass niya ay para sa kabilang barangay na hindi pa naka-schedule lumabas para mamili.

Kalaunan, umamin ang lalaki sa kaniyang pagkakamali at hindi na raw uulit.

Ngunit ayon sa Caloocan Police, makikipag-uganayan sila sa Bureau of Immigration dahil desidido silang magsampa ng reklamo laban sa lalaki. —Ma. Angelica Garcia/LBG, GMA News