QUEZON - Isang dalawang taong gulang na batang lalaki ang pinakabagong kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Quezon. 

Base sa report ng lokal na pamahalaan ng Buenavista, Quezon, wala raw travel history ang bata sa ibang lugar.

Nitong Abril 17, nagkaroon ng malubhang sakit sa balat at lagnat ang bata. 

ADVERTISEMENT

Agad dinala ang bata sa isang pagamutan sa Gumaca, Quezon at na-swab test noong Abril 19.

Noong Abril 24, nakalabas na ng pagamutan ang bata at nagpatuloy ang home quarantine hanggang sa matapos ang 14 days.

Nitong Linggo, Mayo 10, lumabas ang resulta ng lab test at kumpirmadong positibo ito sa COVID-19.

Dinala na ang bata sa isang pagamutan sa Lucena City.

Malakas ang bata at asymptomatic.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang LGU.

Base sa datos ng probinsiya, 73 na ang buong bilang ng kaso ng COVID-19 sa Quezon. Ang mga gumaling ay 38 na habang pito ang nasawi. —KG, GMA News