Isang green sea turtle ang na-trap sa ilalim ng isang pantalan sa Barangay Taganak, Turtle Islands, Tawi-Tawi nitong Linggo.

Hindi ito nakalabas matapos matabunan ng buhangin ang magkabilang gilid ng pantalan kung saan ito dumaan.

ADVERTISEMENT

Nagtulong-tulong ang mga Maritime Police sa lugar na mailabas ang pawikan.

Isang bata ang boluntaryong sumuot sa ilalim upang mahila palabas ang pawikan.

Makalipas ang ilang minuto ay ligtas na nakuha ang pawikan. Ayon sa Maritime Police, posibleng doon nangitlog ang pawikan.

Nang matiyak na walang sugat at malusog ang green sea turtle ay pinakawalan na ito ng Maritime Police sa karagatan. —KG, GMA News