Mas confident at positibo ngayon si Jessica Villarubin sa kaniyang bagong look na nagningning sa "All Out Sundays."

Sa "Mars Pa More," natanong ng host na si Iya Villania ang The Clash Season 3 Grand Champion na "What do you love now the most about yourself?"

"Siguro po 'yung being confident talaga, 'yun talaga, as in. Kasi kapag nasa stage ako 'Ay hindi naman 'yan...' Ngayon po 'Oh ito na ako, this is me na.' As in, positive lang talaga tsaka super happy po talaga."

Inamin naman ni Jessica na bago ang kaniyang new look, nakaramdam din siya noon na hindi siya kumpiyansa sa sarili.

ADVERTISEMENT

"As in right now po, kasi I feel like sa trabaho ko po, siyempre may camera always. So [kapag] naka-zoom, kapag naka-zoom 'yung mukha ko parang 'Hala para akong ..." saad ng Kapuso singer.

"Pero ngayon po super like, okay kakanta na ako na kahit na anong emosyon ko, 'pag pipikit 'yung mata ko, parang ang ganda ko," dagdag ni Jessica.

Wala raw tutol si Jessica sa iba't ibang paraan para mapaayos ang sarili.

"As long as it makes you happy, as long as it makes you confident, as long as wala kang sinasaktang tao."

"Kasi 'yung importante naman 'yung sarili mo, paano mo mamahalin 'yung sarili mo. At siyempre, it's not also about the outside or physical appearance, but the most important po is 'yung kalooban. And be confident with yourself, love yourself talaga," saad ng Cebuana singer.

Matapos hindi mapanood panamantala, muling naghandog si Jessica ng kanta para sa kaniyang fans ng kaniyang latest single na “Ako Naman" sa All-Out Sundays.

Nag-post din siya ng maganda niyang larawan suot ang black see-through dress.

"'It's not selfish to love yourself, take care of yourself, and to make happiness a priority. It's necessary.' - Mandy Hale," inilagay ni Jessica sa caption. – Jamil Santos/RC, GMA News