Nagpasalamat si Sanya Lopez matapos umabot sa mahigit dalawang milyong views at mag-top trending ang nakaraang episode ng "First Yaya" kung saan nagpainit siya bilang si Yaya Melody sa kaniyang two-piece swimwear.

"'Yung result nitong ginawa namin sa First Yaya, talaga namang sobrang nakakatuwa kasi two million views na agad, balita ko nag-number one trending sa YouTube at siyempre po maganda 'yung ratings," sabi ni Sanya sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras."

"Maraming salamat sa two million viewers, at hopefully counting. Napakasaya naman talaga, kahit saan kami magpunta 'yan naman ang naririnig namin," sabi ni Gabby Concepcion, na gumaganap bilang si President Glen Acosta at leading man ni Sanya sa series.

Humataw sa YouTube views ang episode ng jaw-dropping beach body ni Yaya Melody, na magandang balita kina Sanya at Gabby Concepcion sa pagbabalik-lock in taping nila.

ADVERTISEMENT

"Siguro na-miss din ng mga tao na magsuot ako ng swim wear. Kasi bilang Yaya Melody siyempre nasanay na sila na naka-uniform lang akong mag-yaya. Kaya talagang ang daming nag-abang," sabi ni Sanya.

Pangako nina Gabby at Sanya na marami pang mangyayari at magiging mas exciting pa ang istorya.

Ito na ang pang-apat na lock-in taping ng First Yaya.

Mas lalo pa raw sumaya ang set dahil sobrang close na ang lahat ng kasama sa show.

Tila in character na rin sina President Glen at Yaya Melody kahit sa biruan nina Gabby at Sanya.

May mahigit tatlong milyong views na ngayon ang "Melody’s jaw-dropping beach body" na umere noong Abril 22, 2021.

 

—LBG, GMA News