All smiles pa rin at nag-enjoy si Rabiya Mateo kahit aksidente siyang nahulog sa swimming pool sa Miss Universe photo shoot.

Sa video na inapload sa social media ng pageant training at coaching camp Aces and Queens, makikita na hanggang baywang na basa ang damit ni Rabiya.

Masayang kuwento ng pambato ng Pilipinas sa naturang beauty pageant: “A lot of things happened. First of all, I accidentally fell in the pool so I got half of my outfit wet. And then I almost lost my diamonds.”

ADVERTISEMENT

Sa kaniyang Instagram story, sinabi ni Rabiya na safe ang mga diamond.

“You have nothing to worry about. I just want to say thank you to Drake of Luna for letting me borrow his diamonds,” saad niya.

May mga video rin na masayang kasama ni Rabiya ang iba pang kandidata sa photo shoot.

 

 

Gaganapin Miss Universe pageant sa May 16 (May 17 sa Pilipinas) sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood, Florida.--FRJ, GMA News