Matapos gumawa ng marka sa Philippine music, unti-unti na ring nakikila sa international music scenes ang Pinoy pop group na SB19.  Ano nga ba ang kuwento nila bago sila naging miyembro ng grupo?

Kamakailan lang, gumawa ng kasaysayan ang SB19 dahil sila ang kauna-unahang Filipino artists na naging nominado sa 2021 Billboard Music Awards.

ADVERTISEMENT

Sa ulat ni Nelson Canlas sa "Brigada," alamin kung sino kina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin, ang dating call center agent bago napunta sa larangan ng pag-awit at pagsayaw.

Mayroon din isang naging working student, at ang isa pa ay dating architecture student. Kilalanin lalo ang grupo at kanilang mga pinagdaanan sa video ng "Brigada."


--FRJ, GMA News