Inilahad ni Max Collins ang sikreto sa kaniyang fit at toned na body mag-iisang taon matapos niyang isilang ang anak nila ni Pancho Magno na si Baby Skye.

"If you have no love for yourself or you don't give to yourself, then you won't have love to give to other people including your baby," sabi ni Max sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado.

"Two things that I used to do before having a child para lang I can be my happy self for Skye," dagdag ni Max.

ADVERTISEMENT

Idinaraan ni Max ang kaniyang self-love sa pamamagitan ng workout at pagiging healthy.

"Recently I have been doing a lot of weight training, and then yoga, the boxing. I just love doing workout friends kasi my friends get tested regularly. So sabay kaming nagwo-workout. I think nakakatulong din yon for me to push myself," anang Kapuso actress.

Sinabi ni Max na tunay na inspirasyon niya sa pagiging healthy ang kaniyang anak, na nanonood pa minsan sa kaniyang workout.

Kasama si Max sa bagong Kapuso series na "To Have and to Hold" kung saan makakasama niya sina Carla Abellana and Rocco Nacino.

Nagdadala si Max ng mga gamit ni Skye sa lock in taping para mabawasan ang kaniyang sepanx.

Bukod dito, napapanood ding muli si Max sa pinagbidahan niyang drama series na "Innamorata" sa GMA Afternoon Prime. – Jamil Santos/RC, GMA News