Napasabak sina Matt Lozano at Radson Flores sa matinding adventure sa San Miguel, Bulacan upang mapuntahan ang ilan sa magagandang pasyalan sa lugar sakay ng ATV o all terrain vehicle.
Bukod sa nakaka-astig ang pakiramdam sa pagsakay sa ATV, dagdag challenge at excitement ang pagtahak sa maputik na daan at maging sa rumaragasang tubig sa ilog.
Kabilang sa mga puwedeng puntahan ang Madlum River, na bahagi ng makasaysayang Biak na Bato National Park. Pero bago marating ang ilog, papasok muna sa Madlum cave.

Mayroon din sa lugar na isang lumang hanging bridge at mula doon ay makikita ang magandang tanawin.

ADVERTISEMENT

Sa ilog, dagdag adventure ang pagsakay sa balsa na puwedeng rentahan.

Maaari ding puntahan ang Bali-inspired installations sa makapigil hiningang Siete Hills, at puwedeng maglublob sa Zamora Falls, na kilala sa Bulacan.

Panoorin ang adventure ni Matt at Radson na kabilang sa upcoming series na "Voltes V Legacy," at isama sa bucket list ng mga pupuntahan ang pinasyalan nilang lugar kapag puwede na muling mamasyal.

--FRJ, GMA News