Inimbitahan ni Marian Rivera sa kanilang tahanan si Bea Alonzo, at ipagluluto raw niya ito ng menudo.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabing nagkasama ang dalawang aktres sa virtual event ng isang beauty brand.

Sa video, makikita ang magandang pag-uusap ng dalawa at binati ni Marian ang bagong Kapuso na si Bea.

ADVERTISEMENT

Nang mabanggit ng host ng event na nakapunta na siya sa bahay ni Marian, dito na nagsabi si Bea na, “Magpapaka-close na ‘ko, Marian. Baka naman.”

Kaagad namang inimbitahan ni Marian si Bea.

“Sure, pagkatapos ng pandemya at ipagluluto ko kayo ng menudo ng lola ko,” masayang sabi ni Marian.

Pero si Marian, may request din kay Bea.

“Bea, kailangan magluto ka rin. Magdala ka rin ng niluto mo,” saad ni Marian.

Makikita na rin ang closeness ng dalawa na pina-follow ang isa't isa sa Instagram.— FRJ, GMA News