Sinubok ang compatibility nina Bea Alonzo at Alden Richards para sa kanilang pagtatambal sa inaabangang Philippine adaptation ng Korean hit-drama series na "Start-Up."

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ang "Start-Up" ang pinakaunang official project nina Alden at Bea sa Kapuso Network.

Natanong si Alden tungkol sa pet peeve ni Bea.

"Organized kasi sa bahay din 'yan si Bea eh. One of my things in common with us, parehas kaming may OCD. Gusto maayos, malinis 'yung bahay, especially ayaw niyang nagagalaw 'yung mga gamit na naayos na niya," sabi ni Alden tungkol kay Bea.

"Oo, umiinit ang ulo ko kapag marumi ang bahay, hindi ako makapag-isip nang tama," pagkumpirma ni Bea.

ADVERTISEMENT

Tinanong naman si Bea tungkol sa music na palaging pinakikinggan ni Alden.

"Tingin ko mas alternative and acoustic, 'yun. Kasi 'yun ang mga kanta niya eh," sagot ni Bea.

"Nahuli ako!" pagkumpirma ni Alden sa sagot ni Bea.

Ayon pa kay Bea, pareho sila ni Alden ng type of music na pinakikinggan.

Muling tinanong si Alden tungkol sa nagpapalungkot kay Bea.

"When it comes to family, nako-compromise ang family or any issues within the family, I see how si B takes care of her family. If something's wrong with family, I think 'yun ang mga nagpapalungkot kay Bea. And that's what we share in common," sabi ni Alden.

"Oo tama. Kaya natutuwa nga ako na kinukuwento ni Alden na lagi pa rin siyang umuuwi sa Laguna. Kasi ako rin lagi rin akong umuuwi sa Zambales," sabi ni Bea.

Inaasahan nina Bea at Alden na magkakasundo sila sa taping ng Start-Up.

"Ang tawag doon connection talaga," sabi ni Bea. – Jamil Santos/RC, GMA News