Inihayag ni Shuvee Etrata ang kaniyang panalangin at mensahe ng pagpapakatatag para sa mga kapwa Cebuano na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol noong Martes.

“Sa mga taga-Cebu diyan, sa mga taga-San Remigio, patuloy lang po sa panalangin, ‘wag mag-give up. ‘Yung mga nasalanta sa mga nakakaranas ng hirap o nahihirapan, ipagdadasal ko kayo para mas maging strong pa kayo at ‘di mag-give up,” mensahe ni Shuvee sa mga taga-Cebu, ayon sa ulat ng Balitanghali.

“May mga ipinadala na po kaming tulong para sa inyo ha, together, ‘di tayo susuko. Kaya natin lahat ito,” dagdag niya.

Ayon kay Shuvee, malapit lamang ang Bogo sa Bantayan Island, na kaniyang kinalakihan.

Siniguro rin ng “Encantadia Chronicles: Sang'gre” na ligtas ang kaniyang mga kaanak doon.

Samantala, pumirma si Shuvee ng memorandum of agreement bilang unang babaeng ambassador ng Boy Scouts of the Philippines.

Happy and honored siya para rito, at looking forward nang mag-promote ng volunteerism at pagiging laging handa. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News