Ibinahagi ng Pinoy singer na si Marcelito Pomoy ang kaniyang karanasan nang makasalamuha at makamayan pa ang presidente ng Amerika na si Donald Trump sa isang New Year’s Eve party.

Sobrang saya ko po nun first time kong makaharap yung presidente. Once in a lifetime lang po yon,” sabi ni Marcelito sa GMA show na Unang Hirit nitong Biyernes.

Ayon pa Marcelito, dapat na Christmas lang siya magtatanghal pero naimbitahan siya sa ilalim ng kaniyang management sa BRICS Entertainment.

“Kasi actually gusto ko nang umuwi ng New Year eh. ‘Yung wife ko ang nagtulak na, ‘Huwag ka nang kumuha ng ticket. Idiretso mo na ‘yan,’” sabi pa niya.

Si Marcelito ang Pilipinas Got Talent Season 2 champion, at nakasama sa America's Got Talent: The Champions.

Nag-perform siya sa Mar-a-Lago, isang magarbong Palm Beach, Florida club resort na pag-aari ni Trump. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News