Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon si Rhian Ramos tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan niya, at kapwa Kapuso star na si Michelle Dee.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, inamin ni Rhian na hindi naging madali ang mga nagdaang linggo para sa kaniya.

“Well, honestly, siyempre, sino ba naman [ang] matutuwa? And I can say, yes, it’s in a way stressful pero I'm also quite confident na the truth will, ano naman, will set us free," saad niya.

“I just can't give so much details about everything because we might be waiting for a possible case or whatever. So, I can't give too many details, but yeah, in the end, the truth will set us free,” dagdag ng aktres.

Sa kabila ng isyu, nakangiti si Rhian nang tanggapin niya ang parangal na TV Actress of the Year sa Platinum Stallion National Media Awards 2026 para sa kaniyang papel bilang si Mitena sa Kapuso Primetime series na “Encantadia Chronicles: Sang'gre.”

Sa kaniyang talumpati, tila nagbitiw siya ng pabirong pahayag na may kaugnay sa kontrobersiya.

“Happy Chinese New Year. Thank God it's the end of Snake Year and it's now the Year of the [Horse]. What a way to start it. Pa-angpao nga diyan. Charot,” nakangiting sabi ni Rhian.

Nilinaw din ni Rhian sa ulat ang kaniyang komento sa Chinese New Year post ni Michelle sa Instagram, na makikitang may hawak na angpao ang kaibigan beauty queen.

Nagkomento si Rhian na, “May your ampaos be filled,” na agad nakakuha ng pansin mula sa netizens.

“I think where that's coming from really is not that it's a funny matter. Kung ano naman 'yung totoo, 'yun 'yung lalabas eh. And that's why I feel confident na things are going to be okay," paliwanag niya.

Dagdag pa niya, bagama’t marami ang humihikayat sa kaniyang ipagtanggol ang sarili, naniniwala siyang hindi pa ito ang tamang panahon.

“It’s just not the right time right now. And you know, honestly, a lot of people are asking me to defend myself. The more important thing right now is not to defend myself because I don't need to," ayon kay Rhian.

Nagpasalamat din si Rhian sa mga estudyante, guro, at kawani ng Trinity University of Asia para sa pagkilalang iginawad sa kaniya.

“I am so, so grateful to all of the students of Trinity University of Asia. Of course, all of the faculty and staff. It's so nice to be representing 'Encantadia Chronicles: Sang'gre,'" ayon kay Rhian. —Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News