Nakipagsapalaran si tatay sa Riyadh, Saudi Arabia para mabigyan ng maganda buhay ang kaniyang pamilya. Pero sa halip na ginhawa, kalbaryo ang kaniyang dinanas kasama ay may 10,000 pang mangagawa nang biglang magsara ang kanilang pinagtatrabahuhan at hindi na sila pinasahod.

Sa loob ng siyam na buwan, nagtiis si tatay at ang kaniyang mga kasama sa pamumulot ng basura para kumita at may panggastos bago sila natulungan ng pamahalaan para makabalik ng bansa.

Ngunit matapos ang pagdurusa, makatatanggap naman ngayon ng biyaya ang kaniyang pamilya, at magkakaroon ng pampuhunan sa tulong ng "Sugod-Bahay" segment ng "Eat Bulaga." Panoorin ang kaniyang kuwento.

-- FRJ, GMA News