Isang dalawang buwang gulang na lalaking sanggol ang natagpuan sa loob ng isang bagong gawa na gusali sa Surigao City.
Ayon sa ulat sa "Unang Balita" ng GMA News nitong Biyernes, iniwan raw ang sanggol na nakabalot sa kumot sa sahig ng gusali at natagpuan naman ito ng isang residente,
Ipinagbigay-alam agad sa City Social Welfare ang nangyari.
Mabuti raw ang kundisyon ng bata, ayon sa doktor na sumuri dito.
Nananawagan ang mga awtoridad sa magulang ng bata na sana ay magpakita na ang mga ito. — Jamil Santos/MDM/KVD, GMA News
