Sa Instagram post ni Pauleen Luna, marami ang natuwa sa larawan ni Vic Sotto habang hawak ang bagong silang nilang anak na si  Baby Talitha Maria. Pero may iba pang napansin ang netizens tungkol kay Bossing Vic na ang iba ay nag-alala.

Sa larawan na ipinost ni Pauleen, nilagyan niya ito ng caption na, "God’s best Thank you Lord for my family. Best birthday gift, ever!"

 

 

God’s best ???????? Thank you Lord for my family. Best birthday gift, ever!

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

 

Nagdiwang ng kaarawan nitong Biyernes si Pauleen habang isinilang niya si Talitha nitong Lunes.

Pero maliban sa mga natuwa at bumati sa kaarawan ni Pauleen at sa pagkakaroon nila ng anak ni Vic, may mga nakapansin din sa braso ni Bossing na tila namamaga.

Ganito rin ang napansin ng ilang netizen nang i-repost sa Facebook page ng "Eat Bulaga" ang naturang larawan.

Sa isang tugon ni Pauleen sa isa niyang IG follower na nakapansin din sa braso ni Vic, nilinaw naman ng aktres na walang problema sa braso ng kaniyang asawa.

"No it’s not," na may kasamang smiley ang sabi ni Pauleen bilang tugon sa nagtanong na parang maga ang braso ni Vic.

Nag-post din si Joey de Leon ng larawan na kasama sina Vic at Pauleen para batiin sa kaniyang kaarawan ang TV host actress.

May mungkahi pa si Joey na dagdagan ng "Ana" ang pangalan ni Talitha Maria.

 

 

-- FRJ, GMA News