Mabuti na ang kalagayan ng isang limang taong gulang na babae matapos maialis sa kaniyang lalamunan ang bumarang P10 barya na aksidente niyang nalunok sa Cuyo, Palawan.

Sa ulat ni Athena Imperial sa GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Miyerkoles, sinabing naglalaro noon sa perya ang bata nang mangyari ang insidente.

Inilahad ni Doctor Emmanuel Olmoguez ng Cuyo District Hospital na nahihirapan na ang bata nang dahil siya sa pagamutan.

"'Yung patient dumating sa e.r. namin 'yun nga nagbo-vomit na 'yung pasyente, nahihirapan siya parang naduduwal sa laki ng coin na nalunok. That time sabi ng mother naglalaro ng pera so I immediately requested for an x-ray. 'Yun nga nakita namin 'yung coin nasa may sternum na banda nu'ng patient," ayon kay Olmoguez.

Aminado ang duktor na nahirapan siya na matanggal ito mula sa lalamunan ng pasyente dahil ito ang unang pagkakataon na humawak siya ng ganitong kaso.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News