Sa programang "Tunay Na Buhay," inilahayag ni Kiray Celis ang dahilan kung bakit siya nagdesisyong lumipat sa Kapuso Network.

Sa kaniyang paglipat ng TV network, nabiyayaan agad si Kiray ng maraming proyekto. Kabilang dito ang guesting niya sa "Dear Uge," "Wish Ko Lang," "Magpakailanman" at "Daig Kayo ng Lola Ko."

Ngayon naman ay napapanod siya sa Kapuso primetime series na "Love You Too" kasama sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Nang tanungin ng host na si Rhea Santos kung bakit niya piniling maging Kapuso, pabiro at natatawang sagot ni Kiray, "Kasi po maraming pera dito."

"Hindi, loko lang," pahabol niya.

Seryoso na niyang paliwanag, "Feeling ko mas marami pa akong time or mas marami pa akong chance na maibibigay sa akin dito, pag nandito ako."

Maging ang ina ni Kiray, masaya sa paglipat ng kaniyang anak sa GMA dahil naging mainit daw ang pagtanggap sa kanila ng Kapuso network.

Nang tanungin kung ano ang kuwento ng buhay ni Kiray, paliwanag ng aktres, "Kapag nangarap ka, huwag kang titigil kapag natupad na 'yung isang pangarap mo. Huwag kang mapagod mangarap nang mangarap."

Panoorin ang buong panayam kay Kiray sa video na ito.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News