Isa nang ganap na Kapuso, inihayag ng actress-comedienne na si Kiray Celis ang dahilan kung bakit siya lumipat sa GMA Network.
Pumirma si Kiray ng kontrata sa GMA Artist Center nitong Huwebes, kung saan sinabi niyang gusto niya pang lumago sa pagiging artista.
Kiray Celis, Kapuso na sa kaniyang pagpirma ng kontrata sa GMA Network. @gmanews pic.twitter.com/NaKW5wRFBg
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) December 20, 2018
"Actually nu'ng una natakot ako na sabihin kasi meron pa silang binibigay na guestings, kaso sabi ko sa sarili ko, 'Hindi na ako nag-go-grow as an artist. I need something more. Kasi aminin naman natin, wala naman talaga akong ginagawa sa kabila (ibang estasyon). Wala akong ginagawa doon totally. I don't have a show, I don't have any guestings. Nag-ge-guest lang ako kapag may pelikula akong pino-promote," sabi ni Kiray nang makapanayam ng GMA reporters.
"And then I realized, 'Paano pala kapag wala akong pelikula? So wala akong guesting?' So du'n na rin nag-start na parang, I need to step back. And sa pag-step back ko na 'yon, iba na 'yung tatahakin kong papuntang lugar kung saan ako dapat pumunta. And I decided na pumunta dito sa GMA," dagdag ni Kiray.
Kasama niyang pumirma ang mga GMA executives na sina GMA Artist Center Talent Manager Tracy Garcia at GMAAC Assistant Vice President for Talent Imaging and Marketing Simoun Ferrer.
@gmanews pic.twitter.com/YLZvlZvCNm
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) December 20, 2018
Ayon kay Kiray, ang gusto niya lamang ay magtrabaho.
"Actually wala, wala akong gustong gawin. Wala akong gustong matanggap, wala akong gustong talagang 'Ah gusto ko ng ganitong proyekto, ah gusto ko ng ganitong character,' walang gano'n. Wala akong dream role, wala akong... I just want work. Gusto ko lang ng trabaho," anang aktres.
Gusto rin daw ni Kiray na makilala pa siya bukod pa sa kaniyang pagiging komedyana.
"So meaning, marami pa akong gustong gawin, kahit ano. Kahit ano gusto kong gawin pero hindi kasi ako nabibigyan ng chance para gawin 'yun isa-isa. So eto 'yung tamang place para gawin ko 'yun lahat. Para maipakita ko pa sa mga tao na hindi lang si Kiray ganito. Ganito rin siya, ganiyan din siya, ito pa siya, ayan din siya, gano'n. Kasi kilala lang nila ako as comedienne, kilala lang nila ako as ganito. Gusto ko pang... I want something more for them and for myself."
Pagiging versatile actress daw ang isa pa sa mga goals ni Kiray.
"Of course! Sinong hindi artista ang hindi may gusto ng gano'n? Wala naman sigurong artista na gustong makulong lang sa pagiging model, sa pagiging umiiyak na artista, sa pagiging komedyante 'di ba? We want something more and para rin sa sarili ko. Literal na hindi ako nag-go-grow pero sa sarili ko gusto ko rin."
"Gusto kong mag-grow as a person and as an artist," dagdag pa niya.
Bago pa man lumipat sa Kapuso network, marami na rin daw kilala at kaibigang Kapuso artists si Kiray tulad nina Betong, Mae Bautista, at Barbie Forteza.
"Kaya kahit hindi ako GMA before, pumupunta ako dito kasi kinikita ko sila. So hindi naman na bago sa akin 'yung mga tao. Siguro bagong lugar, pero hindi bagong tao."
Excited na rin si Kiray na makatrabaho ang iba pang Kapuso artists.
"Wala eh. Everyone, pero specific talaga, si Bitoy. Dream kong makatrabaho si Michael V. It's gonna be a pleasure kapag nakatrabaho ko siya... Walang specific eh. Gaya nga ng sabi ko I want to explore and gusto ko kahit sino. Wala naman akong gustong piliin kasi knowing me, sa mga nakakakilala sa akin alam nila na hindi talaga ako mapili. So kahit sino talaga, sobrang game ako, basta trabaho."
Masaya si Kiray ngayon sa paglipat niya sa GMA Network.
"And sobrang nagulat naman ako kasi sobrang grabe 'yung welcome nila and naramdaman ko agad 'yung love and naramdaman ko 'yung respeto nila sa talento ko, 'yung respeto nila sa akin sa pagiging artista," anang aktres. —NB, GMA News
