May mga larawan na kumalat sa social media tungkol sa mga isdang sardinas na itinatapon na lang daw at nabubulok sa Sorsogon dahil sa sobrang dami ng nahuhuli ng mga mangingisda.

Upang alamin ang katotohanan, nagtungo sa naturang lalawigan ang team ng "Born To Be Wild." Bakit nga ba may mga isdang itinatapon na lang at ano ang epekto nito sa kabuhayan ng mga mangingisda? Ano rin kaya ang planong gawin ng mga kinauukulan para hindi masayang ang mga isda? Panoorin.

Sumama rin si Noc Nielsen sa pamamalakaya o pangingisda upang personal na makita ang ginagawa ng mga mangingisda.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News