Ibinahagi ni Sean Lucas na pinilit niyang itinago ang kaniyang kilig at excitement nang makatrabaho niya si Heart Evangelista, bilang mga host sa pinakabagong GMA original game show na “The People Have Spoken.”
“Nakikita niyo ba I'm trying to act so cool about it, ‘di ba? I'm trying to pretend that I'm fine, ganoon na, ‘Hindi. This is all normal,’” sabi ni Sean sa Kapuso Showbiz News.
Ayon pa kay Sean, kinikilig siya sa tuwing binabanggit ni Heart ang kaniyang pangalan.
“Tsaka kanina nu’ng naging spiels siya ta’s binabangit niya 'yung pangalan ko medyo kinikilig ako. ‘Parang, ‘Ano ba, tigilan mo na Heart, bukambibig mo na ako. Ganoon (crossed fingers) na tayo,” masayang sabi ni Sean.
Inalala pa ni Sean ang unang pagkikita nila ni Heart.
“Nu’ng first meeting namin, it was a screen test for ‘The People Have Spoken.’ Tapos pumasok ako sa dressing room na I said ‘Hi!’ Sabi niya, ‘Hello,’ ganu’n ganu’n, ‘Congratulations.’ Then I walked out of the room and I was like, (halos isubo ang kamao na tila kinikilig.) I literally did that,” kuwento niya.
Ayon sa Sparkle actor, nagpipigil siya ng kaniyang tuwa at saya, ngayong katrabaho na niya ang Kapuso Global Fashion Icon.
“And then, kunwari lang, cool lang ako. Tapos mamaya ulit magkikita dapat kami. ‘O tinatawag na kayo.’ Sabi ko (muling tago ng kaniyang tuwa), ‘Hello po! So happy to work with you,’” ani Sean.
“Ganu’n lang. Kasi dapat nonchalant tayo. Maintain natin 'yung ganu’n nating image. ‘Di pasok sa branding 'yung tumitili tayo. But oh my God!,” dagdag niya.
Makakasama nina Heart at Sean sina Joy Barcoma at Baus Rufo na magsisilbing "celebri-peeps" sa bagong Kapuso Show.
Isang bagong orihinal na Pinoy game show ng GMA Entertainment Group ang "The People Have Spoken.” Ipalalabas ito sa Sabado, Hunyo 6, ng 6:15 p.m. sa GMA Network. – FRJ GMA News
