Nagpa-audition ang GMA Network para sa papel ng leading lady ni Rocco Nacino sa Philippine adaptation ng "Descendants of the Sun." Kabilang sa mga sumubok si Jasmine Curtis-Smith.

Mismong si Rocco ang kaeksena ng mga aktres na sumalang sa audition.

“Nung araw na yun, apat-lima yata, so the whole day, paulit-ulit ako sa eksena ko," kuwento ni Rocco na gumaganap bilang Technical Sergeant Diego Ramos a.k.a. Wolf.

Eventually, si Jasmine ang napili bilang si Captain Moira Defensor.

“Nung nakita namin si Jasmine tapos yung ginawa niya, lahat kami [napatango sa pagka-impress]. So kita naman, di ba?

“She deserves it. She’s giving justice talaga to the character.”

Si Rocco ay hindi na nag-audition, handpicked siya for the role dahil kamukhang-kamukha niya ang Korean actor na si Jin Goo na gumanap sa original Korean version ng Descendants of the Sun noong 2016.

Ano ang reaction ni Rocco sa mga nagsasabing kamukha nga siya ni Jin Goo?
“2016 pa yan, e! Sabi ko, ‘Onti, onti.’

“Tapos nung pinagtapat ng GMA Network yung photos naming dalawa dun ko lang talaga nakita.

“Kasi nung Encantadia pa, nagte-trend yung pangalan naming dalawa, e! Sabi ko hindi ko maintindihan kung bakit ako konektado dito,” ani Rocco, sabay tawa.

“Iyon pala. Ngayon ang mga tao sinasabi nila, ‘O, sabi ko sa 'yo kamukha mo! Sabi sa 'yo makukuha mo yan, sabi sa 'yo kasama [ka].’

“I mean nakakataba ng puso, nakakataba ng puso na pinili nila talaga. It’s giving people what they want.”

Nakausap namin si Rocco sa grand presscon ng Descendants of the Sun, na pinagbibidahan din nina Dingdong Dantes (Captain Lucas Manalo/Big Boss), Lucho Ayala (bilang Staff Sergeant Alen Eugenio/Snoopy), Paul Salas (bilang Marty Talledo), Jon Lucas (bilang Staff Sergeant Benjo Tamayo/Harry Potter), at Prince Clemente (bilang Sergeant First Class Randy Katipunan/Picollo). --For the full story, visit PEP.ph