Inihayag ng Kapuso star na si Rhian Ramos ang pinaka-pinandidirihan niya sa lalaki na makikita sa kamay. Alamin kung ano ito.

Sa pagbisita muli ni Rhian sa "The Boobay and Tekla Show," sumalang siya sa segment kung saan may itatanong sa kaniya, at may mga pagpipiliang sagot.

Huhulaan naman ng "mema squad" ng TBATS ang sagot ng aktres. Kapag mali ang hula nila, ilalagay ang kanilang mukha sa unan na may pulbos.

Unang itinanong kay Rhian ay kung kanino siya posibleng ma-in love muli: Sa taong madaldal, sa tahimik, o sa lesbian?

Ayon kay Rhian, posibleng ma-fall siya sa taong tahimik lang.

Sunod na itinanong sa aktres ay ano ang pinaka-pinandidirihan niya sa lalaki: may mahabang kuko, may mahabang buhok sa dibdib, o may mahabang leeg?

Sabi ni Rhian, ayaw niya sa lalaki na may mahabang kuko-lalo na kung isa lang. 

Ang natatawa niyang paliwanag kung bakit: "Ano kasi, matindi yung imagination ko. So kapag nakakakita ako nang mahabang kuko sa lalaki lalo na kung isa lang, naiisip ko na yung purpose nu'n. Tapos nai-imagine ko na lagi."

Samantala, tinanong din si Rhian kung ano ang gagawin niya kung may isang araw na walang ipinagbabawal sa mundo: tumakbong nakahubad sa Edsa, magnakaw sa bangko, o makipag-date sa Hollywood actor kahit may dyowa pa?

Ang apat na mema squad, hinulaan na ang pipiliin ni Rhian ay tumakbong nakahubad sa Edsa at makikipag-date sa Hollywood actor kahit may  dyowa pa.

Pero ang bawal na gustong gawin ni Rhian, "Maging bank robber. Magnanakaw ako para maraming pera."

Panoorin ang buong episode sa video kung saan may mema squad na nabiktima ng prank--FRJ, GMA News