Ililipat sa Taguig City Jail ang aktor at host na si Vhong Navarro para sa kinakaharap na kasong rape.

Sa ulat sa “24 Oras” nitong Martes, sinabing ang paglipat kay Navarro ay alinsunod sa inilabas na commitment order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69.

ADVERTISEMENT

Kasalukuyang nakapiit si Navarro sa National Bureau of Investigation Detention Facility matapos siyang arestuhin para sa kasong rape na inihain ng modelong si Deniece Cornejo.

Ayon sa NBI, inaayos pa ang mga dokumento para sa paglipat kay Navarro.

Sasailalim din ang aktor sa mga health protocol requirements.

Nauna nang hiniling ng kampo ni Cornejo na ilipat sa Taguig City Jail si Navarro. —Mel Matthew Doctor/NB, GMA Integrated News