Patay ang isang guro matapos siyang 19 beses na pagsasaksakin ng kaniyang mister dahil umano sa matinding selos sa Valencia, Negros Oriental. Ang karumal-dumal na krimen, nasaksihan pa ng dalawa nilang anak.

Sa ulat ni Mav Gonzales sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado, sinabing dead on arrival sa ospital ang biktima.

ADVERTISEMENT

Duguan na nagtungo sa estasyon ng pulisya ang suspek, at sumuko sa ginawa niyang pagpaslang sa asawa. Agad siyang ikinulong.

Sinabi ng Valencia Police na may matinding selos ang mister kaya nasaksak niya ang kaniyang misis.

Inilahad ng mga kaanak ng biktima na dati nang sinasaktan ng lalaki ang ginang.

May matinding trauma ngayon ang kanilang mga anak nang makita ang pagpaslang sa kanilang ina. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News