Namayani si Alexandra "Alex" Eala sa mahigpit na laban nila ni Greet Minnen sa iskor na 7–6(5) 6(3)–7, 7–5 sa Suzhou Open WTA 125 Round of 16 nitong Miyerkoles sa China.

Dahil sa naturang panalo, umabante si Eala sa quarterfinals at makakaharap niya si Viktorija Golubic ng Switzerland.

Ito ang ikaapat na sunod na pagkakataon na nakaabot si Eala sa quarterfinals ng isang WTA 125 tournament, matapos ang kaniyang pagsabak sa Guadalajara, SP Open, at Jingshan Tennis Open.

Sa kabuuan, ito na ang kaniyang ikaanim na quarterfinal ngayong taon, kasama na ang mga torneo sa Miami Open at Eastbourne Open. – FRJ GMA Integrated News