Patay ang isang ginang sa pamamaril ng riding in tandem sa Maguindanao del Sur. Ang mag-ama niya, nakaligtas nang pumalya na ang baril ang mga suspek.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabi ng pulisya na sakay ng tricycle ang pamilya nang tabihan sila ng riding in tandem at pagbabarilin sa Barangay Sapakan sa Rajah Buayan.
Patay ang ginang habang nakaligtas ang asawa niya at anak nilang tatlong-taong-gulang nang pumalya ang baril ng mga suspek.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin. – FRJ GMA Integrated News
