Ayon sa isang source sa oil industry, ang inaasahang pagtaas ng presyo ng gasolina sa susunod na linggo ay ang mga sumusunod:
- Diesel - Mula P14.00 magiging P14.50 kada litro
- Gasolina - Mula P7.00, magiging P7.50 kada litro
Iniuugnay ang inaasahang pagtaas ng presyo ng gasolina sa mga pangamba sa matinding paghigpit ng suplay dahil sa pinsala sa mga imprastraktura ng enerhiya sa Gitnang Silangan sa gitna ng patuloy na tumitinding digmaan ng US-Israel laban sa Iran, ayon sa source sa industriya.
Nauna nang inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang mga sumusunod na pagbabago sa presyo ng gasolina para sa linggong Marso 17 hanggang Marso 23:
- Diesel - P20.40 magiging P23.90 kada litro
- Gasolina - P12.90 magiging P16.60 kada litro
- Kerosene - P6.90 magiging P8.90 kada litro
- Diesel - P91.35 magiging P114.9 kada litro
- Gasolina - P86.4 magiging P100.3 kada litro
- Kerosene - P91.9 magiging P143.79 kada litro
Sa kabila ng pagtaas ng presyo, tiniyak ng DOE sa publiko na may sapat na suplay ng gasolina ang bansa ngunit nagbabala laban sa pag-iimbak o hoarding.
“What is unpredictable is the hoarding part. Kung mag-hoard ang isa, maapektuhan ang iba, especially ang PUVs (If one will hoard, everybody will be affected especially the PUVs). We need to curtail hoarding and not cause more panic among our people,” sabi ni Energy Secretary Sharon Garin. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News

