Sinabi ng Foreign Minister ng Iran na si Abbas Araghchi na walang plano ang kanilang bansa na makipag-negosasyon sa Amerika, at nais nilang patuloy na makipaglaban. Inihayag ito ng opisyal matapos sabihin ng White House na nagpapatuloy ang mga pag-uusap tungkol sa nangyayaring kaguluhan sa Middle East.
"At present, our policy is the continuation of resistance," sabi ni Araghchi sa state TV, at inihayag din na, "We do not intend to negotiate -- so far, no negotiations have taken place, and I believe our position is completely principled."
"Speaking of negotiations now is an admission of defeat," patuloy niya.
Noong Miyerkules, nagbanta ang White House na “to unleash hell” laban sa Iran kung hindi ito makikipag-usap sa US para sa kapayapaan.
"Talks continue. They are productive," saad ni Press Secretary Karoline Leavitt.
Una rito, sinabi ng mga opisyal ng Pakistan na ipinaabot ng Islamabad sa Tehran ang 15-point plan ng Amerika upang matigil na ang labanan na nagsimula noong Pebrero 28, nang magkasanib na bombahin ng US at Israel ang Iran.
Matapos ang naturang pag-atake, kumalat na sa ibang bansa sa Gulf region ang kaguluhan.
Sinabi ni Leavitt na may mga “elements of truth” sa mga ulat tungkol sa 15-point proposal.
"These were presented in the form of various ideas, all of which have been conveyed to the senior officials of the country, and if it is necessary for a position to be taken, it will certainly be decided,” sabi ni Araghchi tungkol sa plano.
Dagdag pa ni Araghchi na ang mga mensahe ay ipinapadala sa pamamagitan ng mga kaibigang bansa o sa ilang mga tao pero iginiit niya, “this is neither called dialogue nor negotiation".
Sinabi rin ng foreign minister na bagama’t maaaring makakuha ang Iran ng mga garantiya sa seguridad na pinagtibay ng UN Security Council, nakalikha na ang Tehran ng sarili nitong mga garantiya sa paraan ng pakikipaglaban.
"In this war, we showed the world that no one can provoke the Islamic Republic, and in fact we created a security shield for ourselves so that the whole world understood that provoking the Islamic Republic and playing with our interests carries heavy consequences," ayon sa opisyal — ulat mula sa Agence France-Presse/FRJ GMA Integrated News

