Nabisto ang pagtatago ng 70 Palestino sa isang trak ng basura para makapasok sa Israel.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, nabuko ang mga Palestino ng Israeli police sa Trans-Samaria Crossing sa West Bank.

Sinubukan daw ng mga Palestino na makapasok sa Israel upang maghanap ng trabaho, base sa impormasyong nakalap ng Reuters.

Hindi pa nagbibigay ng detalye kung saan dinala ang 70 lalaki. — Jamil Santos/ VDV GMA News