Isang aso na naipit sa ilalim ng gumuhong gusali ng Prudencio Mariano, Sr. Integrated School sa Glan, Sarangani ang nailigtas matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Lunes, Hunyo 8, 2026.
Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Miyerkules, inihayag ng Animal Kingdom Foundation (AKF) sa isang post sa social media, na natabunan ang aso ng isang malaking tipak ng kongkretong semento nang bumigay ang bahagi ng gusali dahil sa malakas na pagyanig.
Ayon sa AKF, habang nakalikas nang ligtas ang mga residente, naiwan namang nakakulong ang aso sa ilalim ng mga guho.
Hanggang sa dalawang rescuer ang nagtanggal ng mga guho at naabot ang takot na takot na aso matapos nilang marinig ang pag-iyak nito.
Kalaunan, matagumpay na naiahon nang ligtas ang aso.
“In the middle of fear, destruction, and chaos, these two heroes chose compassion. They reminded us that every life matters — including those who cannot call for help in words,” ayon sa AKF.
“As we respond to disasters, let us remember the animals who suffer alongside us. They, too, need saving,” dagdag nito. -- FRJ GMA News

