Inanunsyo ng Malacañang nitong Miyerkules na suspendito ang pasok sa trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at ng mga klase sa mga paaralan sa lahat ng antas sa Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon sa Huwebes, Agosto 6, 2026. Bunga ito ng inaasahang malakas na pag-ulan na idudulot ng bagyong “Maymay” at Habagat.

Bukod sa Metro Manila, wala ring pasok sa mga lalawigan ng:

  • Abra
  • Apayao
  • Bataan
  • Batangas
  • Benguet
  • Bulacan
  • Cavite
  • Ifugao
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Kalinga
  • La Union
  • Laguna
  • Mountain Province
  • Nueva Ecija
  • Nueva Vizcaya
  • Occidental Mindoro
  • Pampanga
  • Pangasinan
  • Rizal
  • Tarlac
  • Zambales

Ayon sa Malacañang, maaaring magsuspinde ng trabaho at klase ang mga lokal na punong ehekutibo sa mga lugar na hindi saklaw ng direktiba, alinsunod sa umiiral na mga batas, alituntunin, at regulasyon.

"Agencies involved in the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or performance of other vital services are hereby directed to continue their operations and render the necessary services," nakasaad sa Memorandum Circular No. 122 ng Palasyo. —FRJ GMA News