Umulan ng yelo sa ilang bahagi ng Quezon City at Nueva Ecija nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat ng GMA News TV's "QRT," ang hailstorm ay naranasan umano sa Batasan Hills, Commonwealth Avenue, at Filinvest 1 sa Quezon City.

Nangyari din ng pag-ulan ng yelo sa Peñaranda sa Nueva Ecija.

Ayon kay GMA resident meteorologist Nathaniel "Ka Tani" Cruz, ang pag-ulan ng yelo ay dulot ng matinding thunderstorm na naranasan sa nabanggit na mga lugar.


Sa pagtaya ng panahon ni Mang Tani sa Biyernes, sinabi nito na magiging maayos ang panahon sa Luzon sa umaga.

Pero dapat daw maghanda sa pag-ulan sa tanghali hanggang gabi sa Northern at Central Luzon, sa Mimaropa, at ilang bahagi ng Calabarzon.

Halos wala naman umanong pag-ulan na mararanasan sa Metro Manila. -- FRJ , GMA News