Ipinakita ni Alex Eala ang kaniyang kalibre bilang isang world-class na atleta matapos talunin si Shihomi Leong ng Malaysia sa iskor na 6-3, 6-1 sa quarterfinals ng women’s singles tennis ng 2025 Southeast Asian Games ngayong Lunes sa National Tennis Development Center sa Thailand.

Umusad ang Filipinang tennis star sa semifinals habang tinatarget niya ang kaniyang kauna-unahang gintong medalya sa SEA Games. Gayunman, sigurado na siya sa broze medal.

Sa kabila ng kaniyang mahabang listahan ng nakamit na tagumpay sa international tournament, hindi pa nakakakuha ng gintong medalya ang 20-anyos na si Eala sa biennial na palaro.

Sa kaniyang SEA Games debut noong 2022 sa Vietnam, nagwagi si Eala ng tatlong bronze medal matapos makuha ang ikatlong puwesto sa singles, mixed doubles, at women’s team events.

Now ranked no. 53 in the world, Eala is eager to put her name in the SEA Games map, first earning a Round of 16 bye before dominating the 18-year-old Leong, who's currently the world no. 969.

Pang-53 ngayon sa world rankings, sabik si Eala na iukit ang kaniyang pangalan sa kasaysayan ng SEA Games. Nagsimula siya sa isang Round of 16 bye bago dominahin ang 18-anyos na si Leong, na kasalukuyang ika-969 sa mundo. — Bea Micaller/FRJ GMA Integrated News