Patay ang 74-anyos na magsasaka sa bayan ng Dangla sa lalawigan ng Abra matapos ito suwagin ng kanyang alagang kalabaw.
Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa dibdib, ulo, at likod, ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si Gregorio Pilor.
Ayon sa mga kaanak ni Pilor, posible umanong dumausdos sa may leeg ng kalabaw si Pilor kaya siya sinuwag. —LBG, GMA News
