Natagpuan noong Biyernes ng madaling-araw ang katawan ng isang babae sa may damuhan malapit sa national highway sa bayan ng Kananga sa Leyte, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa Kananga police, nakatali ang mga kamay ng bangkay at nakabalot ng packaging tape ang mukha ng biktima.

Nagtamo rin umano ng mga tama ng bala sa kanang pisngi ng babae. 

Pahayag ng may-ari ng bakanteng lote kung saan natagpuan ang bangkay, nagising siya ng mga putok ng baril madaling-araw noong Biyernes at maya-maya pa'y nakarinig siya ng sasakayang umalis sa mula lugar.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang motibo sa at kung sino ang may kagagawan sa krimen.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang pagkakalilanlan ng biktima. —LBG, GMA News