Natagpuan ang bangkay ng isang ahente ng baka sa isang palayan sa Santa Cruz, Laguna, matapos pagbabarilin biktima ng hindi pa nakikilalang na salarin.

Sa ulat GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Petronilo Dayo, 55.

Ayon sa mga pulis, pinagbabaril umano si Dayo dakong 10 p.m., pero hindi na ito tiningnan ng mga residente dahil sa takot.

Natagpuan ang bangkay ni Dayo kinabukasan na.

Iniimbestigahan na ng mga pulis kung sino ang nasa likod at kung ano ang motibo sa pamamaril. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News