Dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan nitong Sabado, lubog sa baha ang ilang bayan sa lalawigan ng Quezon.
Binaha nitong tanghali ang ilang lugar sa bayan ng Alabat dahil sa walang patid na ulan.
Patuloy ang pagmo-monitor ng mga tauhan ng Alabat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Pansamantalang hindi pinayagang maglayag mga mga pampasaherong mga bangka dahil na rin sa masamang panahon. Tanging roro lamang ang pinayagan ng coast guard.
Mauban Quezon
Samantala, sa bayan ng Mauban, nagmistulang lawa ang malaking bahagi ng Barangay Polo dahil parin sa walang tigil na pag-ulan na nararanasan sa lalawigan.
Nagrereklamo ang mga residente dahil hindi raw inayos at iniwan nalang ng contractor ng Department of Public Works and Highways ang ginagawang road widening project sa lugar. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News




