Sakaling maisabatas ang tax reform bill (TRB) ng Senado, wala nang babayarang buwis ang mga empleado at mga self-employed na kumikita ng P250,000 pababa kada taon.
Sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing itinaas sa P250,000 ang exemption sa personal tax mula sa orihinal na P150,000 annual income.
Narito ang proposed income tax ng Senado:
- Ang mga kumikita ng mahigit P250,000 hanggang P400,000, 20% ang babayarang buwis.
- Ang mga kumikita ng mahigit P400,000 hanggang P800,000, 25% ang babayarang buwis.
- Ang mga kumikita ng mahigit P800,000 hanggang P2,000,000, 30% ang babayarang buwis.
- Ang mga kumikita ng P2,000,000 hanggang P8,000,000, 32% ang babayarang buwis.
- Ang mga kumikita ng mahigit P8,000,000, 35% ang babayarang buwis.
Sinabi ni Senator Sonny Angara na bababa ng may P1 bilyon ang kikitain ng gobyerno dahil sa adjustments sa personal income tax, ngunit may iba pang tax generating revenues ang gobyerno. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News
