Arestado ang dalawang estudyante sa Bontoc, Mountain Province, matapos makita sa kanilang bag ang mahigit dalawang kilo ng marijuana na may halagang mahigit P200,000.
Sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, kinilala ang mga suspek na sina Alberto Damasco Jr at John Paul Canlapan.
Natagpuan sa kanila ang droga na nakabalot pa sa plastic, matapos silang isumbong ng isang magsasaka. Sinabing galing pa sa Tarlac ang dalawang estudyante.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. —Jamil Joseph SantosLBG, GMA News
