Nag-viral online ang isang video na nagpapakitang sinorpresa ng isang OFW ang kaniyang mga anak habang naglalaro sa isang arcade.
Hindi alam ng dalawang bata na dumating ang kanilang ama mula sa abroad.
Habang abala ang isa sa magkapatid sa paglalaro ng video game, may lalaking naka-jacket at face mask na biglang tumayo sa likod nila.
Nang mapalingon ang dalawa sa kanilang likuran, biglang tinanggal ng ama ang kaniyang face mask.
Tuwang-tuwa ang dalawang batang sabik sa kanilang ama at niyakap nila ito ng mahigpit. —LBG, GMA News
