WATCH: 2 hinihinalang holdaper na kinontratang pumatay ng barangay chairman, arestado sa checkpoint sa Pritil, Tondo, Manila @dzbb pic.twitter.com/nNKoMVQj4E
— Luisito Santos (@luisitosantos03) May 11, 2018
Arestado ang dalawang hinihinalang holdaper na inutusan umanong pumatay sa isang barangay chairman matapos mahulihan ng baril sa isang checkpoint sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang mga suspek na sina Richard Mangampo at Dennis Espino.
Ayon kay MPD Station 1 Commander Police Superintendent Jay Dimaandal, nagsasagawa sila ng checkpoint sa kanto ng Zamora at Herbosa street nang mamataang umiiwas ang dalawang nakamotorsiklong lalaki.
Hinold umano ng mga pulis ang mga suspek at nang inspeksyuhin ay nakuha sa kanila ang isang kalibre 38 na baril.
Ayon sa isa sa mga suspek, manghoholdap daw dapat sila sa bahagi ng Balut, Tondo pero nang malamang papatay sila ng barangay chairman ay umatras sila.
Habang papauwi sila ay duon na sila natiyempuhan sa checkpoint.
Isinasailalaim pa sa verification ang mga suspek kung may mga nakabinbing itong kaso. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code. — BAP, GMA News
