Inaresto National Bureau of Investigation (NBI) ang 71-anyos na Amerikanong si Elgin Frederick Anderson dahil sa kanyang diumano'y cyber porn operations Barangay Poblacion sa Buenavista, Agusan del Norte.

Ayon sa ulat sa Balitanghali, binuksan ng NBI and computer ni Anderson matapos ang pagsilbi ng search warrant. Sa computer, nakita ang ilang malalaswang larawan ng mga babae.

Agad na kinumpiska ang computer pati na rin ang mga resibo ng kaniyang mga transaksyon.

Ang kapwa-Amerikano ni Anderson na si Timothy Howered ang nagsumbong sa mga awtoridad tunkol sa ilegal na gawain ni Anderson.

Nagsumbong si Howered dahil hindi niya masikmura ang ginagawa ni Anderson.

Ayon kay Howered, "I have children and it's not safe in my neighborhood with a person like that living there."

Sinumbong din ni Howered na ilang menor de edad umano ang ginagamit ni Anderson sa kaniyang ilegal na negosyo.

Si Anderson ay kakasuhan ng paglabag sa Anti-Child Pornography Act at Cybercrime Prevention Act. —Maia Tria/GMA News