Viral ngayon ang isang video ng police traffic enforcer na nanampal ng bus driver sa Baclaran, Parañaque.
Ayon sa uploader ng video, pinara ang sinasakyan nila matapos sitahin ang drayber sa paglabag sa "closed door" policy.
Habang nasa Baclaran, isinara daw ng drayber ang pinto sa harapan ng bus ngunit nakalimutang isara ang sa likuran.
Nang akyatin ng pulis para kumpiskahin ang lisensya, nakiusap ang drayber - pati na rin ang konduktor - kung maaaring pagbigyan na sila dahil hindi naman nila sinasadya ang nangyari.
Imbis na kausapin ng maayos, itinulak at sinampal ng pulis ang drayber bago ito bumaba ng bus.
Ayon sa uploader, ipinasa lamang sa kanya ang video ng mismong kumuha nito. — MDM, GMA News
