Sugatan ang isang retiradong police official sa Maynila sa pamamaril ng mga nakamotorsiklong lalaki sa San Andres Street sa Malate.
FLASH: Retiradong police colonel, sugatan matapos tambangan sa kanto ng Angel Linao St. at San Andres St. Malate, Maynila. | via Mao dela Cruz pic.twitter.com/Zny0J99OgJ
— DZBB Super Radyo (@dzbb) August 5, 2018
Sa ulat ng Super Radyo dzBB, sinabing nasa labas ng kaniyang bahay ang biktima nang biglang dumating ang dalawang armadong magkaangkas sa motorsiklo at pagbabrilin ang dating pulis.
Hindi napuruhan ang biktima, ngunit nadamay naman ang isang kapitbahay nito sa may Angel Linao Street malapit sa panulukan ng San Andres St.
Naisugod kaagad sa hospital ang dalawang mga biktima.
Hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad ang mga biktima habang iniimbestigahan pa ang insidente. —LBG, GMA News
