Natagpuan nitong Linggo ng umaga sa katabing barangay sa Gainza, Camarines Sur ang labi ng isang batang siyam na taong gulang, ayon sa ulat sa News TV Live.

Ang bangkay ni Rebecca Diaz ay natagpuan mag-a-alas siyete ng umaga ng Linggo sa bahagi ng Barangay Malbong.

Naligo raw ang biktima sa Naga River sa Barangay Mabulo nitong Sabado kasama ang dalawa nitong kalaro.

Dahil sa malakas na agos ng tubig, nadala ang biktima papalayo.

Nasagip ang dalawa niyang kalaro subalit hindi na naabutan ng rescuers ang biktima.

Positibong kinilala ng ama ng biktima ang bangkay na natagpuan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. —KG, GMA News