Maituturing 20 years in the making ang love story ng bagong kasal na sina Carla Abellana at Reginald Santos. Ayon sa aktres, first love from high school ang lalaki na kaniyang pinakasalan.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News 24 Oras nitong Lunes, sinabing nagkaroon ng second chance ang pag-iibigan nina Carla at Reginald, na nauwi sa kasal nitong December 27.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Setyembre, inihayag ni Carla na may nagpapasaya sa kaniya na dati na niyang kakilala. Kasunod ito ng pag-post niya ng ka-date na mystery guy.

Sa bagong Instagram post, ibinahagi ng aktres ang ilang clips sa kanilang kasal ni Reginald na tinawag niyang “first and last” love niya.

“A love story over 20 years in the making,” saad ni Carla. “Two lives coming full circle. This is our story.”

Sa kaniyang vow, sinabi ni Carla na muli silang nagkaroon ng ugnayan ng kaniyang high school sweetheart sa panahon na tumigil na siya paghahanap ng “anything or anyone.”

“I once read that a great love story is when two people let go of one another, only to find their way back to each other,” saad niya.

“Thank you, Lord, most especially for giving me now the clearest answer to all my painful whys,” dagdag niya.

Sa Reginald naman, binalikan ang panahon ng pagmamahalan nila ni Carla noong mas bata sila.

“We were young back then, we fell in love, and then life had interim plans for us,” aniya.

“We reconnected at the perfect time. We are now the best versions of ourselves,” sabi pa ni Reginald.

Unang bahagi ng Disyembre nang kumpirmahin ni Carla ang engagement nila ni Reginald.—FRJ GMA Integrated News