Giniba ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority ang isang barangay hall na nakatayo mismo sa kanto ng daan at nagdulot ng trapiko sa Tondo, Maynila.
LOOK: Isang barangay hall na nakakaabala sa kanto ng Villaruel St. at Abad Santos Avenue sa Tondo, Maynila, ginigiba ng @MMDA at MTPB. | via Carlo Mateo pic.twitter.com/lX7kIxhqFY
— DZBB Super Radyo (@dzbb) August 8, 2018
Sa clearing operation ng MMDA, sa tulong ng mga tauhan ng Department of the Interior and Local Goverment (DILG), hindi na nakaligtas ang barangay hall ng Baragay 235, Zone 22, ayon sa ulat ni Carlo Mateo sa Dobol B sa News TV nitong Miyerkoles.
Matagal na umanong inirereklamo ang pagiging isturbo ng barangay hall na 40-anyos nang nakahambalang sa panulukan ng Villaruel St. At Abad Santos Avenue.
Ipinag-utos ng DILG na aksiyunan na ang problema, at kasama ang MMDA at mga kawani nito, sinampulan nitong umaga ang paggiba ng nasabing barangay hall. —LBG, GMA News
