Naapektuhan na ng masamang panahon na dala ng Bagyong Ompong ang ilang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa northern at southern Luzon.
Batay sa latest advisory ng NGCP, alas 10:24 kagabi nang bumagsak ang linya ng Santiago-Cauayan 69kv line kung saan apektado ang mga customer ng Isabela 1 Electric Cooperative.
Naapektuhan na rin ang Gamu-Ilagan-Naguilian-Reina Mercedes-Cauayan 69kv Line na sumusuplay sa mga customer ng Isabela 1 at Isabela 2 Electric Cooperative.
Apektado rin ang Tuguegarao-Cabagan 69kv line na nagsusuplay ng kuryente sa Isabela 1 Electric Cooperative, Tuguegarao-Magapit 69kV Line-Cagayan 1 at Cagayan 2 electric cooperative, Magapit-Sta. Ana 69kV line Cagayan 2 Electric Cooperative at Famy-Comon 69kv line na nnagsusuplay ng kuryente sa Quezon 2 Electric Cooperative 2.
Nagpadala na ang NGCP ng line crew at nagsasagawa na ng ground patrol sa lugar para malaman ang pinsala ang pinsala sa kanilang mga pasilidad. — BAP, GMA News
